Syam na tulog na lang! Mount Pulag here I come!

Mt Pulag - Campsite

 

Kasama ulit ang Pangkat ng Kartonistang Mangaakyat (PangKaMa), ngayong darating na Enero Disi-Otyo hangang a-beynte, masasaksihan muli namin ang likas na yamang tinataglay ng bundok Pulag.

Hindi magiging madali lalo na sa tulad kong walang ehersisyo, kaya kailangang mag handa habang may panahon pa. Β Sana na’way maki-ayon samin ang kalikasan sa aming pag-akyat at malayo kami sa kung ano mang kapahamakan.

Sidetrip sa Pundaquit, Zambales

Hindi ko na nagawang kumuha ng litrato sa kalagitnaan ng programa ng “Pangkat ng mga Kartonistang Mangangakyat: Balik Eskwela” project. Gayon pa man, sobrang ipinagmamalaki ko na naging matagumpay ang programa sa pagtutulungan ng mga pinuno at miyembro ng PangKama.

Maraming salamat sa mga walang sawang sumosoporta at nag papahatid ng tulong tulad nila Ma’am George Cuadra and Ma’am Michelle Chan, ang grupo nila Ma’am Orchid Narvaez HRA ng MDS Call Solutions at ang pamilya Dones lalung lalo na sa aking inspirasyon at mahal na mahal kong si Mitz Dones (@mitzdones) πŸ™‚

Naway naparating namin sa mga kabataan ng East Dirita Elementary School na ang kahalagahan ng edukasyon, at pagpapahalaga sa kinabukasan ng ating bayan.

Click more for pictures! πŸ™‚
Continue reading “Sidetrip sa Pundaquit, Zambales”