President Aquino’s statement on the aftermath of Tropical Storm Sendong, December 20, 2011

” Sa kabila po ng mga paghahandang ito, bakit pa po natin ngayon kinakaharap ang ganitong trahedya? Alam po ninyo mayroong tinatawag na mapa, nagdedetalye ng tinatawag na geohazard. Itong pong mapang ito ay tumukoy dito po sa lugar—sitio ho yata ito—ang ngalan ay Isla de Oro, bilang pook na mismong sasalo ng baha sakaling dumating ang bagyo. Nakita naman po ninyo ang ayos ng Cagayan River, at saka itong Isla de Oro, talagang haharangin niya ang ilog. Dahil alam natin ang topograpiya, natukoy na rin ang mga lugar kung saan magiging mabilis ang ragasa ng tubig. Bakit po may nakatira pa rin sa mga pook na ito? Alam naman pong bubuhaghag ang lupa sa gilid ng mga bundok kung tatanggalin ang mga punong-kahoy; bakit po hinayaan pa ring putulin ang mga ito upang masaka ang lupa? Bakit po may mga ulat ng mga trosong tinatangay ng ilog mula Lanao patungong Iligan? Bakit po ba may nagpipilit pa ring gumawa ng mali?

Kailangan ko pong tanungin ang aking sarili (at araw-araw ko pong itinatanong ang aking sarili): sapat ba ang nagawa ng inyong pamahalaan para iwasan ang ganitong klaseng trahedya? Hindi ko po yata matatanggap na nagawa na namin ang lahat; alam kong may kaya pa tayong, at dapat tayong gawin.

Wala po tayong hangad na magturo kung sino ang dapat sisihin sa ganitong mga panahon. Ngunit obligasyon nating tukuyin kung ano ang nangyari. Nagbuo na tayo ng isang task force mula sa mga kinatawan ng DILG, DSWD, DPWH, DOST, DOJ, DENR, at Mindanao Development Authority. Sila po ang mag-iimbistiga, magbibigay ng lunas at tugon sa lahat ng ating mga katanungan. Para hindi na maulit ang trahedyang ito, kailangang malaman kung saan nagkulang, kung sino ang may pagkukulang, at kung paano ito dapat panagutan. “

http://www.gov.ph/2011/12/20/president-aquino-statement-on-the-aftermath-of-tropical-storm-sendong-december-20-2011/

Napaka tanga ng binoto nyo… sana matuto na tayo

Posted from WordPress for Android

Posted from WordPress for Android