Operation Haiyan: Lezo, Aklan
Harangan man ng matinding traffic… ng sobrang mahal na overweight baggage fee… ng strong tail wind turbulence na umabot ng tatlong attempt bago naka land ang eroplano… pasukan ng ipis sa taenga… naging successful parin ang Operation Haiyan sa Silakat Nonok sa Lezo, Aklan.
Sa tulong ng mga donors at volunteers na ayaw magpakilala (pero alam ko kilala nyo), sa Local Government (Mayor Vic), sa DILG, NDRRMC ng Aklan… nakapag-paabot at pamahagi ang mga gamit pang-bahay at mga relief goods sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda sa Barangay Silakat Nonok na may 30+ households.
Narito ang kuha bago makarting sa barangay na pagbibigyan…
Namigay din si Mayor Vic ng bigas at mga delatang pagkain at mga damit mula sa NGO ng kanyang asawa. ^_^
Pagbisita sa bahay ng isa sa mga nakaligtas sa bagyo… pinaunlakan kami ng isang masarap na fresh buko juice! antsalap!
Bukod sa agricultural, isa sa pinagkukunan ng kabuhayan ng Lezo, Aklan ay ang pottery dahil sa likas na yaman nito sa clay na ginagamit sa pag-gawa ng palayok.
You must be logged in to post a comment.