Blockchain | Software Freedom Advocate | Humanitarian Volunteer | root
Ilang mamayan ang naghihikahos at humihingi ng suporta ng gobyerno, sa edukasyon, seguridad, agrikultura, sining, kalusugan, trabaho… tapos basta basta nalang tayo maglalabas ng pondo para lang magpasikat at magpapogi sa ibang bansa? Sinimulan mo sa Japan… ngayon sa IMF naman… at tumataginting na isang bilyon na galing sa kaban ng bayan? Ang tindi mo talaga noynoy!!
Hindi ko na nagawang kumuha ng litrato sa kalagitnaan ng programa ng “Pangkat ng mga Kartonistang Mangangakyat: Balik Eskwela” project. Gayon pa man, sobrang ipinagmamalaki ko na naging matagumpay ang programa sa pagtutulungan ng mga pinuno at miyembro ng PangKama.
Maraming salamat sa mga walang sawang sumosoporta at nag papahatid ng tulong tulad nila Ma’am George Cuadra and Ma’am Michelle Chan, ang grupo nila Ma’am Orchid Narvaez HRA ng MDS Call Solutions at ang pamilya Dones lalung lalo na sa aking inspirasyon at mahal na mahal kong si Mitz Dones (@mitzdones) 🙂
Naway naparating namin sa mga kabataan ng East Dirita Elementary School na ang kahalagahan ng edukasyon, at pagpapahalaga sa kinabukasan ng ating bayan.
Click more for pictures! 🙂
Continue reading “Sidetrip sa Pundaquit, Zambales”
Date: June 16 at 1:00am until June 17 at 9:00pm
Project Details:
Name of school beneficiary: East Dirita Elementary School, San Antonio, Zambales
No of kids: 300 students
Project Partner: LGU of San Antonio, c/o Celeo Alvarez, Municipal Administrator
Facebook Event: PangKaMa 6th project: PASAYAHIN ANG PASLIT SA PUNDAQUIT
Sobrang sarap sa pakiramdam ng kapag nakapagpasaya ka sa kapwa lalo na sa mga taong mas nangangailangan.
Ang pagiging makabayan hindi lang sa pa like like ng kung ano anong kalokohang Fan Page, Group Page at pa post post ng kung ano anong Memes… Nilalagyan din ng GAWA… at isinasabuhay… katulad din sa kahit anong relihiyon… kung pa dasal-dasal at pa rosa-rosaryo ka… ngunit panay kasamaan naman ang ginagawa mo sa kapwa mo… WALANG SILBE!
Maraming matutuwa nito! 🙂 asteg talaga ang siyensa!
“Bubuhay natin ang volunteerism sa bawat pilipino… babawasan natin ng tax ang mga employed volunteers at companies na susuporta sa kanila. para ma enganyo silang tumulong sa kapwa nila pilipino.” -RDG
Gustuhin ko man pumunta sa CDO,Negros o san mang sulok ng Pilipinas na pwede akong makatulong… hindi ko magawa. Kung aabsent ako sa trabaho para mag volunteer, mawawalan ako ng trabaho. Trabahong sumosoporta sa pangangailangan ko at sa magiging pamilya ko.
Malamang ganito rin ang nararamdaman ng iba… kaya tuloy para tayong nagkakanya kanya
You must be logged in to post a comment.