Siyam na taon na pala ang nakakalipas

image

Siyam na taon na pala ang nakakalipas noong natagpuan kita sa loob ng iyong silid na hindi gumagalaw at walang tugon sa aking mga tawag. Mainit at maingay ang bahay… maghahanda sana sa paglakbay at dadalaw sa aming opisina. Hindi alam ang gagawin dahil sa selan ng mga bakal sa loob ng yong puso, na biglang tumahimik na noon ay tila orasan na walang tigil sa pag lagitik.

Hinding hindi ko makakalimutan na pinisil mo ang aking kamay habang tayo’y nasa hospital at naghihintay. Na tinawag kita at pinaramdam mo sakin na nandyan ka lang kahit wala ka nang buhay.

Nabangit mo sa amin na natuklasan mo na ang iyong “purpose in life”, ito ay ang maging fulltime kuya at kapatid at hinding hindi mo kami pababayaan. Kaya naman sa lahat ng oras ay laking pasasalamat sayo at hangang ngayon ay ramdam namin ang iyong alaga, nilalayo sa kapahamakan na ilang ulit mo nang pinatunayan. Lalu tuloy akong naniniwala sa ating napagusapan, na ang kaluluha ng tao ay hindi lumilisan. Na laging nariyan lang sa ating kapaligiran.

Bro-fist kapatid! kitakits kapatid!

A Christmas visit kay Kuya Erwin

image

Halos pitong taon narin nakakalipas… pero ganun parin kasakit… panghihinayang… at pagsisisi.  Gustuhin ko mang magalit…. wala narin akong mapapala…. nasa Pilipinas tayo eh… yung pagasa kong pagbabago… nawala narin dahil mas pinili nila ang sikat…

Mahirap talagang mawalan ng mahal mo sa buhay… lalo na yung iniidulo mo.