Syam na tulog na lang! Mount Pulag here I come!

Mt Pulag - Campsite

 

Kasama ulit ang Pangkat ng Kartonistang Mangaakyat (PangKaMa), ngayong darating na Enero Disi-Otyo hangang a-beynte, masasaksihan muli namin ang likas na yamang tinataglay ng bundok Pulag.

Hindi magiging madali lalo na sa tulad kong walang ehersisyo, kaya kailangang mag handa habang may panahon pa. ┬áSana na’way maki-ayon samin ang kalikasan sa aming pag-akyat at malayo kami sa kung ano mang kapahamakan.