A Pinoy’s Guide for Adirondack Camping

Ang Adirondack Region ay nasa hilagang bahagi ng New York ng Estados Unidos na kadalasan tinatawag ding “Upstate New York”.   Ang lugar na ito ay masagana sa likas na yaman at mga ligaw na hayop.  Binubuo ito ng mga kabundukan, Lake  at Ilog.   Ang lugar na ito ay pinagdadausan ng ibat -ibang outdoor activities tulad ng skiing, ice skating, kayaking, boating, at camping.

09140013-2
Cranberry Lake Campgrounds

Sa Adirondack, mayroong mga “campgrounds” na tinatawag kung saan maari kang mag park ng sasakyan at mag dala ng tent.  Kadalasan, ang mga ito ay may mga pasilidad na lamesa, fire pit, palikuran, at tubig sa gripo na pwedeng gamitin.   Naglalaan sila ng mga lugar kung saan maari kang mag tayo ng inyong tent o hammock.   Lahat ng campgrounds na ganito ay may kaukulang bayad para sa pag maintain ng pasilidad.

09220045
Primitive Camping

Pamoso din dito ang tinatawag na Primitive Camping o Back-country Camping o Dispersed Camping.  Ito ay mga pagka-camp sa mga lugar na malayo sa mga tao at pasilida tulad ng CR, tubig sa gripo, at kadalasang walang signal ang cellphone.   Ang gumagawa nito o manlalakbay ay inaasahang may kakayahan o kagamitan na maka survive magisa na may pabagobagong klima, makapag source ng sariling tubig at maging ligtas sa kapahamakan ng walang tulong ng iba.

09220050
Cooking Breakfast using Camping Stove and Cookset

Inaasahan ang mga gumagawa nito na may sariling kagamitang lutuan, water filter, itak, tulugan at iba pang makakasigurado sa kaligatasan at mabuhay habang nasa liblib na lugar o kagubatan.  Pinapaalalahanan ang mga manlalakbay na igalang ang kalikasan, ligaw na hayop at kapwa manlalakbay sa pamamagitan ng katagang “Take nothing but pictures. Leave nothing but footprints. Kill nothing but time”.

campsite-perimeterAng mga manlalakbay ay pinapaalalahanan na mag laan ng 100-150feet na layo o distansya kung saan ka matutulog, yamang tubig, sa kakainan at kung saan ikaw ay dudumi.  Upang mapangalagaan ang kalikasan at gayun din ang kaligtasan sa posibleng pag atake o hindi inaasahang pag bisita ng ligaw na hayop tulad ng Grisly Bear.

09190005Kung saan naman mahigpit na pinapatupad ang paggamit ng Bear Canister mula April to November sa Adirondack region.  Kung saan nilalagay lahat ng gamit o pagkain na may amoy na pwedeng makaakit ng Grisly Bear sa campsite ng mga manlalakabay.  Itong kagamitang ito ay hindi sinisiguradong hindi maaamoy ng ligaw na hayop sa malayo, ngunit sa kaganapang matagpuan ito, hindi nito makakain ang pagkaing itinatabi ng manlalakbay.

Marcy Dam - Register PostSa simula at sa kahabaan ng paglalakbay… may mga madadaanan ang mga manlalakbay na “Trail-Register” kung saan isusulat dito ang  pangalan, number at pinanggalingang lugar.  Dito rin tinitingnan ng mga Park Rangers kung merong hindi pa nakakabalik upang malaman kung kailangan ka nilang hanapin sa oras ng sakuna.  Nakalgay din dito kung ang mga paalala para sa mga manlalakbay.

Marcy Dam - ToiletAng mga state park o kagubatan o outdoor parks ay may mga “Trail Marker” upang hindi maligaw ang mga manlalakbay.   Sagana sa mga gabay at may malinaw na “trail” ang mga ito.  Hinihimuk ang mga manlalakbay na wag gumawa ng sariling trail para hindi masira ang kalkasan.  Maaring gumamit ng mapa at compass ang manlalakbay upang siguradong maliligaw.  Ang GPS devices ay malaking bagay din sa paglalakbay, ngunit hinihimuk nila ang lahat na matutong gumamit ng papel na mapa dahil ito ay hindi nangangailangan ng kuryente.

09220036Naglalaan din sila ng mga designated camping area upang mapangalagaan ang kalikasan.  Maari ka lamang mag camp bukod sa disgnated area kung ito ay malayo ng 100-150feet sa yamang tubig, kalsada, o sa kapwa manlalakbay.  Pinapayagang magtayo ng tent sa hindi tataas na 3,500ft sa ano mang panahon.  Sa kabila nito, napagkaalaman namin na ang paggamit ng hammock o duyan ay pinapayagan sa pag camp lagpas pa sa 3,500ft.  Mahigpit din na pinagbabawal dito ang paglilingas ng campfire, pagsisira ng mga halaman o puno, pagpapakain sa mga ligaw na hayop at paghugas, pag-dumi o pag-ihi sa mga yamang tubig.  Maari kang ang maglalakbay sa kawalan ng 2-3 araw at hindi lalagpas sa sampung kasapi ng walang kaukulang lisensya at permit.

09220040

Isang paalala lamang ay may kalamigan ang Adirondacks lalo na sa gabi.  Maaring bumaba ng 0°C at mamuo ng nyebe depende sa panahon ng taon.  Ibayong pagiingat at siguraduhing nakapaghanda sa malamig na klima.  Suriin mabuti ang mga dadalhing kagamitan at iaayos sa naayon sa pupuntahan.

Isang napakasayang experience ang makapaglakbay sa ibat-ibang lugar na kung saang mapapalapit ka sa kalikasan.   Ramdam na ramdam at kitang-kita ang ganda ng nature.   Napakasarap pangalagaan at panitiliing malinis at maayos ang mga ganitong lugar upang sa mga susunod na henerasyon ay mabisita pa nila at masilayan.

Sana marami naiambag na kaalaman sa inyo ang blog post na ito.  Pinaplano pa namin maglakbay isa iba pang bahagi ng Adirondacks.   Ilalathala namin ulit ang mga natutunan sa susunod na pagkakataon.   🙂

Related Links:

Black River

SAMSUNG CSC
“The Black River is a 125-mile-long (201 km) blackwater river that empties into the eastern end of Lake Ontario on the shore of Jefferson County, New York in the United States of America. The origin of the name is not clear, but it may stem from the natural tannic acid that darkens the water in places.” – Wikipedia

Continue reading “Black River”