To my dearest inaanak at pamangkin…

To my dearest inaanak at pamangkin,

Pagpasensyahan nyo na at wala akong binalot na regalo o sobreng maiaabot ngayong disyembre.  Ang maibabahagi ko lang sa inyo ay mga pangaral at karanasan na magagamit nyo sa inyong pagtanda.

Matuto sana kayo at lumaking marunong magpasalamat at magkaroon ng malasakit sa kapwa.  Lalo na ang pagpapasalamat sa inyong magulang na gagawin at ibibigay ang lahat maitaguyod lang ang inyong pagaaral at mamuhay ng sapat o higit pa sa buhay na naranasan nila. At ang malasakit sa kapwa at pagaalay ng sarili sa kapakanan ng mga mas nangangailangan.

Sa inyong pagtanda, naway maibahagi nyo rin ang mga karanasanan at pangaral sa susunod na henerasyon at maging mabuting ehemplo sa kapwa.

Muling bumabati ng season greetings at happy new year!

Nagmamahal,

Ninong Macky/Macoy

Operation Haiyan: Lezo, Aklan

11300001

Harangan man ng matinding traffic… ng sobrang mahal na overweight baggage fee… ng strong tail wind turbulence na umabot ng tatlong attempt bago naka land ang eroplano… pasukan ng ipis sa taenga…  naging successful parin ang Operation Haiyan sa Silakat Nonok sa Lezo, Aklan.

Sa tulong ng mga donors at volunteers na ayaw magpakilala (pero alam ko kilala nyo), sa Local Government (Mayor Vic), sa DILG, NDRRMC ng Aklan… nakapag-paabot at pamahagi ang mga gamit pang-bahay at mga relief goods sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda sa Barangay Silakat Nonok na may 30+ households.

Narito ang kuha bago makarting sa barangay na pagbibigyan…

Namigay din si Mayor Vic ng bigas at mga delatang pagkain at mga damit mula sa NGO ng kanyang asawa. ^_^

Youngest Volunteer Named Sky
Youngest Volunteer Named Sky

Pagbisita sa bahay ng isa sa mga nakaligtas sa bagyo… pinaunlakan kami ng isang masarap na fresh buko juice! antsalap!

Bukod sa agricultural, isa sa pinagkukunan ng kabuhayan ng Lezo, Aklan ay ang pottery dahil sa likas na yaman nito sa clay na ginagamit sa pag-gawa ng palayok.

11300171